Showbiz information and commentaries: direct to the point

Charice, tuloy ang performance kahit nalason

Hataw pa rin sa stage, sa huling leg ng makasaysayang David Foster and Friends, the Asian Tour, kahit na-food poison ang international singing superstar na si Charice.

Kinumpirma ng ina nitong si Raquel, na nakasama nga sa anak ang pagkakain ng sushi sa isang restawran nang magkayayaan ang ilang staff and crew ng David Foster and Friends Asian Tour noong Oktubre 29.

Umaga ng Oktubre 30 nang magsimulang sumama ang tiyan ni Charice at nagsususuka na ito, tanda ng pagkalason. Agad namang isinugod sa ospital ang singer at aktres para malapatan ng lunas. Matapos ang ilang oras nang pamamalagi sa ospital ay inilabas din agad ang singer at nakapagtanghal pa sa harap ng 12,000 katao sa Esplanade Theatres.

Sabi ni Mommy Raquel sa kanyang twitter, okay na si Charice pero wala munang sushi para sa dalaga. Nang kapanayamin naman ang dalaga, sinabi nitong wala siyang balak na idemanda ang restawran na naghain sa kanila ng kontaminadong pagkaing Hapones. (Senyor Tsikador/Philippine Entertainment Alley).

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.